Meet PANPAN!
- itallstartswithahug
- Jul 23, 2014
- 2 min read
3rd Monthsary namin ni HUG.. sobrang miss ko na kasi sya kaya itinaon ko ng monthsary namin yung punta ko.. :) Dun kasi kami magstay kina Che (kapitbahay nila HUG), kaya ibinaba muna namin ung mga gamit ko sa room nya tapos nagpunta na kami dun sa pagistayan naming room kina Che.. Pilit nyang pinapakita sakin yung room.. ako naman, sa isip ko, ayoko tignan mabuti kasi baka isipin ni hug na maarte ako pero sa totoo lang, ok lang sakin kahit ano pa itsura ng room.. so sumilip lang ako saglit tapos alis na.. hiya din kasi ako kasi syempre ibang bahay yon..
Maya maya nagchichikahan kami sa sala nila Che (si Che, HUG, at ako).. Sabi ni HUG tignan ko daw yung room.. sabi ko "ha? diba nakita ko na?" tapos parang sumbong si HUG kay Che na arte daw ako, ayaw ko daw tignan yung room.. eh sabi ko hindi ako maarte, nakita ko na kasi yung room.. kahit saan nman ok lang.. tapos sabi ni HUG, cge kuhaan ko na lang daw sya ng unan.. edi nagsimangot pako.. haha nahihiya nga kasi ako pumasok dun kasi syempre diko naman bahay yun.. tapos pinipilit nya tlga ako.. yung hotdog daw ang kunin ko.. edi pumunta nako sa room.. pagpasok ko, lumuhod nako sa bed, tinitignan ko asan ung hotdog (samin kasi mahahaba ung hotdog na pillow.. diko expect na parang bite size lang pala ung hotdog na sinasabi nya.. lol).. tas pagkita ko, may panda na stuffed toy na naka-yakap dun sa bite-size na hotdog.. nanlaki mata ko, pati ngiti ko abot tenga, tapos sabi ko.. "halaaaa! bat may panda dito???" :D tapos naririnig ko si HUG at Che na tumatawa sa labas.. kinalimutan ko na yung hotdog tapos lumabas ako bitbit na yung panda.. tapos tinanong ko si HUG kung kanino yon.. sabi pa nya kay CJ daw.. sabay tawa.. so na-gets ko na na akin yon.. hehehehe kiniss ko ng kiniss tsaka hinug ko ng hinug yung panda.. tapos nag thank you ako ng nag-thank you kay HUG.. hehehe para akong batang binilan ng laruan na tuwang tuwa nung time na un.. haha

Nung lumabas si HUG (diko na matandaan anong ginawa nya) at nandun ako sa room, inabot sakin ni Che itong greeting card na to.. Sabi nya, nalimutan daw siguro ibigay ni HUG.. natuwa nman ako sa kaswitan ng HUG ko.. hehe Bday gift pala nya sakin yung panda.. pinicturan ko ung card tapos inupload ko..

Tapos pagbalik ni hug, nag-fb sya, nakita nya yung picture.. hahaha parang hiyang hiya sya.. bat ko daw inupload etc.. hehe.. sus oi sya ng sus oi.. hahaha tapos ayun, higa higa kami sa room.. ask ko sknya ano name nung panda.. ewan nya daw.. ako na lang nagpangalan na PANPAN kasi nga PANda.. haha diko na pinahirapan sarili ko mag-isip. hehehe Ayun, naging Bday ni Panpan yung monthsary din namin.. :)
Comentarios