Happy 29th Birthday HUG!!
- itallstartswithahug
- Sep 27, 2014
- 6 min read
Nagplano ako ng surprise para kay HUG nung bago ako pumunta ng Davao para sa bday nya. Nag-isip ako ng magandang gawin para sa Bday nya. Tinanong ko kasi sya dati anong ginawa nya last bday nya.. hindi daw nya matandaan.. di naman daw kasi sya naghahanda.. Kaya naisip ko gawan sya ng surprise kasi gusto ko hindi nya malilimutan yung 1st bday nya with me.. So nagbrainstorm ako tapos nanghingi din ako ng suggestions from my friends and some of hug's friends tapos namili nako ng materials. Ang paalam ko kay hug may titignan lang ako.. di nya alam na namimili nako ng para sa surprise ko.. hehe. Tapos aun.. Grabe everyday akong puyat.. Kasi may work pako.. Tapos after work, gagawin ko naman ung para sa surprise ko kay HUG. Ultimo mama ko nga nahingan ko na ng tulong para matapos ako agad (si mama gumawa ng banner).. Tapos si hug panay pa ang kulit! Bat daw busy ako.. ano daw ginagawa ko.. para san daw ung ginagawa ko.. waaaah.. sobrang nkaka-pressure.. napakakulit pa nman ni HUG.. AS IIIINNN.. buti na lang natapos ko nman lahat.. pagdating ko ng Davao, sinundo ako ni hug sa airport.. Nung pauwi na kami sa kanila, si hug kinakalikot ung dala kong super sealed na paperbag (kasi nga alam ko titignan nya).. Sabi ko sa kanya, wag nya pakialaman.. Tanong ng tanong ano daw yun.. bakit daw bawal nyang tignan etc.. Ang kulit talaga as in. Minsan nakakainis na ung kakulitan nya. Pasalamat sya magbibirthday na siya! haha.
Day before ng bday nya kailangan ko bumili ng cupcake (kasama sa surprise ko).. Sabi ko kay hug punta lang ako sa Central (mall sa may palengke nila).. Ayaw naman nya pa-iwan.. sasama daw sya.. anu daw bang bibilin ko.. bat di daw sya pwedeng sumama (daming tanong! grrr!) sabi ko basta.. edi sinama ko na lang kasi napaka-kulit talaga.. (Alam nyang may surprise ako kasi sa kakulitan nya.. dinadaan nyako sa kwento tapos nadudulas nako.. Pero yun lang alam nya.. na may surprise..) Pagdating namin don, inutusan ko sya buy ng scotch tape sa katabing store tapos pumunta nako sa grocery. Sabi ko antayin na lang nyako lumabas.. Tapos sa counter nung magbabayad nako, nakita ko translucent ung plastic nila.. sabi ko sa kahera kung pwede ba takpan nila yung cupcakes na hindi makikita? buti si kuyang bagger madiskarte din, ung carton na panglagay sa ilalim, yun ang ipinalibot nya sa cupcake sa loob ng plastic. Tatawa-tawa si hug nung nakita nya yung bitbit ko kasi sobrang covered. Nagi-insist sya na sya na magbuhat kaso sabi ko ayaw ko, ako na lang. Tapos sinusundot-sundot nya yung ilalim. Haaaay! Kainis tlga!!!!!! waaaaah! Pagkauwi namin, nanood na lang kami ng movie sa laptop habang nakahiga sa kutson (dun kami sa isang room sa kapitbahay nila natutulog).. Tapos naka-tulog naman si hug mga 9:30pm.. sabi ko sa sarili ko, sakto makakadiskarte ako.. Kaso, kada nagpa-plano akong tumayo.. Bigla siyang gagalaw na akala ko magigising.. nagkukunyari ako biglang nagcecellphone or nagkakalikot ng laptop (haha).. Tapos nung talagang mahimbing na yung tulog nya at naghihilik na, nakatayo nako mga 10pm tapos nagpunta nako sa room nya para simulan ang aking suprise..
Pagdating ko sa room nya, sinara ko yung bintana nya.. So mainit.. Tapos wala pang ilaw, naka-flashlight ako ng phone ko.. dinedecorate ko yung isang side ng wall ng room nya.. nagtthumbtacks ako (sakit sa daliri).. tapos mahina pa ung flashlight at nagmamadali din ako kasi pa-lowbatt nadin yung phone ko (my ged! nalimutan kong i-charge!).. Tagaktak ang pawis ko as in kasi sarado ang bintana at ang pinto ng kwarto. So nakabit ko na ung banner and paper strips sa wall.. hinipan ko nman yung mga baloon (may pang hangin nman akong dala kaso mano2 din) tapos yung isa pumutok pa! Waaah! Ang lakas! Parang nag-echo.. Eh tulog na ata mama niya non tapos nagising ata at kumatok sa pinto ng kwarto.. Kala daw nya kung sino kasi naririnig daw nya na may kumakaluskos.. Sabi ko "pasensya na po, gumagawa po kasi ako ng kaek-ekan dito hehe pumutok po kasi yung isang lobo.. Pasensya na po.." Tapos sinilip ni tita yung wall (na hindi pa tapos) sabay ngumiti at umalis.. Edi game na ulit! Natapos ko na yung balloons.. konti lang nagaw ako kasi nasira pa yung pang-lobo. tinry ko hipan kaso di umubra.. sumakit lang pisngi ko (feeling ko magkaka-beke ako.. lol).. Sunod, inayos ko naman ung table na kinuha ko sa may terrace nila (mabigat sya infairness).. Nilagyan ko ng sapin na color blue (kapos nga lang sa length ng table).. Tapos may dala akong chocolates at candy.. Tinggal ko isa-isa sa balot at binuhos ko sa dala ko ding dalawang basket na maliit hanggang sa mapuno.. Tapos dun ko pinagtutusok ung ginawa kong messages from her friends and some of my friends na may paper straw.. Next, yung ginawa kong cupcake tray.. Pinagtatanggal ko din ung mga cupcake sa balot tapos nilagay ko sa tray.. Tinusukan ko nung mga ginawa kong letter tsaka candle.. (My ged, ang pawis ko talaga.. tumatagaktak as in..) Next, nilagay ko ung gift ko (na naka gift wrap syempre) sa tabi. Nagkalat ako ng ginawa kong confetti at maliliit na stars sa palibot nung lahat ng nasa table.. Mga 2hrs din bago ako natapos.. nung matapos ako, mejo nagligpit ako ng mga basura at nagpunas ng pawis..
11:45pm na.. Naupo muna ako sa sala tapos nagyosi.. naisip ko na lagyan ng piring yung mata ni hug.. nakakita ako ng towel na puti sa may bintana.. tinry ko sa sarili ko kaso maiksi at hindi ko maibuhol.. ayaw ko nman manggising pa kaya sabi ko sa sarili ko, bahala na.. pumunta nako sa kabila kung nasan natutulog si hug. Naupo nako sa tabi nya at nagpahangin muna habang inaantay mag-eksaktong 12am..
12am.. Ginising ko na si hug.. Sabi ko, "Hug, gising na.. 12am na oh.. Happy Birthday! lika na bilis.. tignan mo na yung surprise ko.. lika na!" Kahit parang antok pa si hug, feeling ko excited din syang makita eh.. hehe.. edi dinala ko sya sa sala.. sabi ko dun lang muna sya.. nagpunta ako sa room tapos sinindihan ko yung mga candles gamit yung lighter ko.. Badtrip pa nga kasi isang candle na lang namatay pa yung lighter.. napaso pako kasi syempre diba sobrang init na nung lighter sa sobrang tagal nakasindi.. eh nagmamadali din ako.. pagkatapos ko, lumabas nako tapos nakita ko si hug naka-tingin sa may pinto.. nakita nya may ilaw (gawa nung candles).. sabi ko cover ko muna eyes nya.. sabi nya bat may cover cover pa.. (typical HUG, dami questions..) sabi ko basta.. cge na.. eh diba nga maiksi yung towel.. so no choice ako hinawakan ko ung dulo para di matanggal tapos inalalayan ko na sya maglakad papunta sa room nya.. pinwesto ko sya sa harap ng wall na inarrange ko habang nasa likod nyako at hawak ko pa din ung towel na cover sa mata nya.. sabi ko game na.. nagbilang ako.. 1.. 2.. 3! tapos tinanggal ko na yung cover ng mata nya at ito ang tumambad sa harap nya...

Hinihintay ko nga yung reaction nya eh.. ang tagal.. nakatitig lang sya.. niyakap ko sya at binati ng happy birthday.. tsaka lang sya humarap sakin para akapin din ako at nagthank you sya.. ulit ulit ko syang binabati ng HBD.. ask ko kung na-surprise ba sya kahit alam nya ng may surprise? oo daw.. di daw nya expect na ganun pala.. akala daw nya cupcake lang na tutusukan ng letters.. (nakita nya pala sa gallery ng phone ko.. pinicturan ko kasi yung letters para ipakita sa friends ko kung ok ba.. diko pala nabura).. Thank you sya ng thank you.. sabi ko picturan ko sya.. kaya eto...

Ang SMILE nya na naka-sulit ng pagod at effort ko.. Ang patunay na naging successful naman ang surprise ko.. Sabi ko basahin na nya yung mga messages sa basket.. Natawa sya kasi nagulat sya na message yun mula sa mga friends nya at friends ko.. after nya basahin, pina-blow ko na sa kanya yung candles kasi maiksi na sya at masusunod na yung mga letters.. kinantahan ko muna sya ng HBD.. nagreklamo pa nga nung hihipan na nya kasi ang dami daw hihipan.. haha.. tapos pinaopen ko na sa knya yung mga gifts.. hehe.. tapos nagpicture picture na kami.. hehehe..




Comments